Saturday, February 21, 2009

Balikbayan Dolls



kring, kring, kring.....goodmorning, stargate! mag-follow-up lang po ko kung kailan po idedeliver yung cargo ko? Stargate: "Ma'am ano po bang receipt number nyo?" , Ako: "91045." Stargate: "Ma'am kakareceive lang po namin dito sa office ng cargo nyo from UAE, paki-intay na lang po for delivery jan sa Calamba." Ako: tsktsktsk...waiting mode (exponential times....).

(November 10, 2008) Nakareceive ang nanay ng text from Stargate, "Ma'am kami po yung magdedeliver ng cargo nyo from Stargate (they don't know that the sender was HOME already, tagal kc nila magdeliver...hehehehe!), saan po ba ang location nyo?" siyempre, dinetalye ng Nanay ang address namin dun sa Manong na magdedeliver. lumipas ang mga oras, nagdeliver pa sa ibang part ng laguna yung delivery boy kaya medyo hapon na sila nakarating dito samin. Heto na, nakapasok na ng gate yung cargo box. Welcome balikbayan box! Dun lang siya sa may terrace kasi mabigat, nd namin kaya ipasok ng nanay sa loob ng bahay. Sabi ko sa Nanay, "buksan na natin yan, puro damit ko lang naman yan at ilang gamit."

Ginupit ko na yung tape na nakapalibot sa box. Super dami kasi nung pinagdidikit namin ni Markito sa Dubai. Masyadong mahigpit, kaya dahan-dahan para hindi magupit mga damit ko. Naku, wala ko maiisuot kapag nagupit yun. Heto na, bukas na yung box! Una kong nakita yung mga dolls na bigay ng mga kaopismates at mga kaibigan sa Dubai. Dolls from vendo machine sa ibaba ng office sa Warba Building. After lunch kasi, we used to stroll before going back to work. I had 8 dolls from Kuya Robin, Mhaqui, Yong, Jay-Em, Jax, and Reim. i treasured them a lot, kasi eventhough those dolls cost a single dirham, or just free from something, for Me, "a gift is costless if it comes from the heart." Ayan, tapos na tayo sa Balikbayan dolls.

Kasunod na laman ng balikbayan box ay ang mga damit ko, jackets (which is my comfort, because extreme weather changes cause to trigger my asthma attack), and some stuffs for the house. Yun lang ang laman ng box. After 3 years stay in DXB. hehehehe..Weird noh?! wala ng iba pa... I prefer not to buy anything, kasi wala din naman akong pambili. hehehehe! plus, I had some disturbances at the time when I am going. In short, I just want to go home. Those, things that I packed from the box are the things that I treasured most. Mga simpleng bagay na kung tutuusin ay walang kuwenta kung ikukumpara sa mga laman ng mga cargo box na ipinapadala ng ibang balikbayan sa Pilipinas. Pabonggahan sila di ba? Mas madami, mas masaya ang pamilya dito sa Pinas. May corned beef, sabon, electronics na bagong labas, LCD TV, chocolates na iba't-iba (mas sosyal pa kung Swiss!), perfumes (signatured pa!), lotions (Jergens, Nivea, Victoria's,etc), basta lahat signatured items, para sosyalan! Eh, yung sakin puro damit, litrato, bags, sabon (few lang..hehehehe...), date bars, and the balikbayan dolls. Pero para sa akin sa loob ng tatlong taon sa DXB, mga simpleng bagay na hindi ko makakalimutan ang iniuwi ko dito sa Pinas. Mga bagay na hindi maihahambing at mababago kahit ilang taon pa. Marami man akong hindi natapos, napuntahan, at naranasan na ibang bagay, alam ko, may nakahandang plano si Direk sa susunod na project. "Nakasulat na ang linya, babasahin ko na lang."

Sa ngayon, I am continually inspired by the Balikbayan dolls from my box.
-julierem051505-101708-

No comments:

Post a Comment